Thursday, February 27, 2014

Iwasan ang “Stress-Speak”

Marahil, nitong nakaraang taon, nasanay tayo lagi sa mga linyang may indikasyon ng pagmamadali. Tulad halimbawa: “Kailangan kong tumakbo kasi late na ako;” “Kailangan kong madaliing tapusin ito kasi magagalit sa akin ang boss ko;” o ‘di kaya “Kailangan kong mag-cram ngayong gabi kasi may mini-meet akong deadline.”


Kung aminado kang nasa bokabularyo mo ang mga kataga sa itaas, panahon na para matauhan. Maniwala ka, hindi nakakatulong ang mga ito sa’yo. Sa halip, nakakapagpatanda pa ito nang maraming beses sa iyo. Ito’y dahilan sa, ang mga linyang ito ay nagbibigay ng signal sa iyong katawan na magpalabas ng adrenaline, kung kaya ikaw ay nai-stress nang lalo.


Sa halip, maging conscious ka sa iyong mga pananalita. Kailangan mong i-reprogram ang iyong mga bokabularyo. Pwede mo namang sabihing, “Ayusin ko lang ito, kasi kakailanganin bukas,” sa halip na “Kailangan kong magpuyat dahil deadline ko na bukas.”

Makakatulong din kung humingi ka ng tulong sa Panginoon. Maaari mong idulog sa kanya ang iyong mga pangangailangan. Makakagaan ito sa iyong mga dinadala. Isa pa, hindi ka pa tatanda nang husto sa kakaproblema.

Gumamit ng Mind Map

Marahil, nagtataka ka kung ano ang mind map o mind mapping. Ang mind mapping, kagaya ng idinidikta ng pangalan nito, ay isang teknik para madaling mailatag ang mga nasa isipan ng isang indibidwal o ng kausap.

Partikular itong nagagamit ng mga tao sa trabaho kapag sila ay nagdo-dokumento ng mga meeting o nakikipag-usap sa superior o mga kliyente.

Sa pamamagitan nito, mas madaling nailalatag ang instruksyon, halimbawa, ng isang tao. Ito’y sapagkat nakakagawa ito ng istruktura, mula sa pangunahing paksa hanggang sa mga maliliit na detalye.

Ang FreeMind at Xmind ay ang mga nangungunang sistema sa mind mapping. Maaari itong i-download ng sino man sa kani-kanilang laptop nang sa gayon ay magamit sa tuwing nakikipag-meeting.

Ang kagandahan nito, kapag ipina-recap sa iyo ng iyong boss ang mga napag-usapan ay madali mo lang itong mailatag.

Ang mind mapping ay isa ring mabuting skill na kailangang matutunan ng isang empleyado nang sa gayon ay mas mapadali ang kanyang trabaho, para mas masaya ang pagtatrabaho.

Sigurado, mai-impress sa’yo ang kausap mo.

(Ang artikulong ito ay nai-publish sa March 2014 issue ng Daloy Kayumanggi. I-tsek ang daloykayumanggi.com o 'di kaya'y bisitahin at i-like ang www.facebook.com/daloykayumanggi.)

Tuesday, February 18, 2014

Paano Mapapaunlad ang Self-esteem

(Ang artikulong ito ay nai-publish sa January 2014 issue ng Daloy Kayumanggi. I-tsek ang daloykayumanggi.com o 'di kaya'y bisitahin at i-like ang www.facebook.com/daloykayumanggi.)

Napakalaking issue ng self-esteem, lalung-lalo na sa mga kababaihan. Kung mababa ang iyong self-esteem, siguradong maaapektuhan rin ang iba’t ibang aspeto ng iyong buhay--partikular na ang pakikitungo mo sa ibang tao.

Kaya naman, maiging matutunan mo rin kung paano mo mai-improve ang iyong self-esteem. Naririto ang ilang mga mabibisang tips:

  • I-visualize mo ang iyong mas improved na sarili. Halimbawa, ano kaya ang magiging itsura mo kung mas confident ka? Paano kaya ang iyong magiging itsura ‘pag naayos mo ang iyong looks? Paano kaya ang itsura mo kung natutunan mong maglakad o gumalaw na may oozing confidence? Upang talagang mapasama sa iyong sistema, maiging gawin mo ang routine na ito araw-araw.
  • Gumawa ka ng iyong Plan of Action. Tandaan: Hindi rin magiging pangmatagalan ang iyong resolution kung wala kang nailalatag na maayos na plano. Gamit ang isang notepad / notebook, ilista mo ang iyong mga ispesipikong plano na may kinalaman sa pagpapa-unlad ng iyong self-esteem. Halimbawa, isama mo sa iyong listahan o plano ang pagbabasa ng ilang mga motivational guide books o articles para magkaroon ng self-confidence.

Ang mga tips na ito ay mabisa. Ang kailangan na lang ay kung papaano mo ito ngayon isasama sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay. Pero, kagaya ng nabanggit na, kung magagawa mong paunlarin ang iyong self-esteem, marami ang mababago sa iyong buhay.

Wednesday, January 29, 2014

Mga Pamamaraan Para Maipadama ang Pagmamahal sa Partner


(Ang artikulong ito ay nai-publish sa June 2013 issue ng Daloy Kayumanggi. I-tsek ang daloykayumanggi.com o 'di kaya'y bisitahin at i-like ang www.facebook.com/daloykayumanggi.)

Sabi nila, isa sa pinakamabisang mga pamamaraan para hindi magsawa si partner at hindi humanap ng iba ay ang pagpapakita ng iyong pagmamahal sa kanya.

Oo’t mayroong ibang hindi talaga nature ang pagpapakita ng pagmamahal, pero mahal niya ang isang tao, pero mas maganda pa rin kung talagang magpakita ng mga patunay ng iyong nararamdaman. Kumbaga, nagsisilbi rin kasi itong assurance para sa iyong asawa na mahal mo talaga siya.

Ito ang mga bagay na maaari mong gawin:

  • Masahe. Ang simpleng pagmamasahe ay malaking bagay sa isang relasyon. Dito, naipapahayag ng iyong mga haplos ang iyong nararamdaman sa iyong asawa.Siguradong maa-appreciate ito ng iyong asawa, lalo na kung siya ay pagod sa pagtatrabaho.

  • Surprise kiss. Iba rin ang epekto ‘pag walang anu ano’y hinalikan mo mula sa likuran ang iyong asawa. May posibilidad na magpapakipot pa ‘yan (siyempre, natural na reaksyon ‘yan ng katawan, lalo na ‘pag ‘di mo naman ito normal na ginagawa). Pero, sa loob-loob niyan ay sobra-sobra ang kanyang kasiyahan.

  • Pagbibigay ng simpleng note. ‘Pag maaga kang gumigising at pumupunta sa trabaho, habang tulog pa ang iyong partner, magandang ideya kung gumawa ngsimpleng “I love you” note at idikit sa lugar kung saan niya ito siguradong makikita (e.g. salamin, pintuan, headboard ng kama, at iba pa).

  • Paghahanda para sa asawa. Iba pa rin kasi ‘pag pinagsisilbihan mo ang iyong asawa, kahit paminsan-minsan lang. ‘Wag lang iasa sa inyong kasambahay angpaghahanda. Sa pamamagitan kasi nito, tila ba ginagawa mong prinsesa o prinsipe ang iyong asawa. Mas matutuwa siya kung saluhan mo ito ng matamis na halik.

  • Flying kiss. Mas epektibo ito kung aalis, halimbawa, papuntang trabaho sa umaga. Siguradong maiiwan sa iyong asawa ang kilig at impresyon na nagsisikap kapara mabigyan siya / sila ng inyong mga anak ng magandang buhay.

Mayroon pang ibang mga bagay na pwedeng gawin. Mga bagay na, kung iisipin, simple lang pero mabisa upang maipakita sa iyong asawa na mahal mo siya. Nang sa gayon, maging mas matibay ang inyong pagsasamahan at pagmamahalan.

Thursday, January 9, 2014

Mahahalagang Tanong sa Sarili Bago Bumili ng mga Bagay

Ugali mo bang bumili ng mga bagay na hindi naman gaanong importante sa'yo? Kung oo, ang tawag diyan: paggagasta.

Pero sabi nina Vic at Avelynn Garcia, mga financial management experts, sa kanilang librong "Kontento ka na ba sa kaPERAhan mo?", bago raw bumili ng kung anu-anong bagay, kailangan mo munang tanungin ang iyong sarili ng apat na mahahalagang tanong bago maglabas ng pera.

Naririto't basahin mo't pagnilayan:

Tanong #1: Gusto mo ba iyan?

Karaniwang sagot marahil natin dito ay, "Oo. Hindi lang gusto, gustung-gusto!" Pero, hindi ito sapat para bilhin ang isang partikular na bagay. May tatlo ka pang itatanong sa iyong sarili.

Tanong #2: Kailangan mo ba iyan?

Damit? Oo naman, kailangang-kailangan nating lahat 'yan para mas magmukhang presentable sa ibang tao. Pero, wait, 'wag muna!

Tanong #3: Kaya mo ba iyan?

Naku, ito na yung puntong mapapa-"Ah... Eh..." ka. Eh kung libo ang halaga ng isang damit lang, magmu-move-on ka pa ba sa susunod na tanong? Pero teka, ano ang susunod na tanong?

Tanong #4: Kagustuhan ba ng Diyos?

Kung para lang din naman sa luho mo, baka hindi. Kung ilalaan mo sa edukasyon ng anak mo yung perang ipambibili ng mamahaling damit na iyong gustong bilhin, baka hindi. Kung para lang magpasikat ka at matawag na "mayaman," baka hindi rin. At kung hindi ito kagustuhan ng Diyos, bibilhin mo pa ba? Baka mas maiging, huwag na lang.

Kaya, sa susunod na pagsa-shopping mo, mangyaring tanungin ang iyong sarili ng mga nabanggit na apat na tanong. 


Mga Mabuti at Masamang Gawain Para sa Iyong Kidney

Isa ang sakit sa bato sa pinaka-komon na mga dahilan ng pagkamatay ng mga taosa ngayon. Kaya naman, marapat lang na alagaan mo ito. Ayon ...