Marahil, nagtataka ka kung ano ang mind map o mind mapping. Ang mind mapping, kagaya ng idinidikta ng pangalan nito, ay isang teknik para madaling mailatag ang mga nasa isipan ng isang indibidwal o ng kausap.
Partikular itong nagagamit ng mga tao sa trabaho kapag sila ay nagdo-dokumento ng mga meeting o nakikipag-usap sa superior o mga kliyente.
Sa pamamagitan nito, mas madaling nailalatag ang instruksyon, halimbawa, ng isang tao. Ito’y sapagkat nakakagawa ito ng istruktura, mula sa pangunahing paksa hanggang sa mga maliliit na detalye.
Ang FreeMind at Xmind ay ang mga nangungunang sistema sa mind mapping. Maaari itong i-download ng sino man sa kani-kanilang laptop nang sa gayon ay magamit sa tuwing nakikipag-meeting.
Ang kagandahan nito, kapag ipina-recap sa iyo ng iyong boss ang mga napag-usapan ay madali mo lang itong mailatag.
Ang mind mapping ay isa ring mabuting skill na kailangang matutunan ng isang empleyado nang sa gayon ay mas mapadali ang kanyang trabaho, para mas masaya ang pagtatrabaho.
Sigurado, mai-impress sa’yo ang kausap mo.
(Ang artikulong ito ay nai-publish sa March 2014 issue ng Daloy Kayumanggi. I-tsek ang daloykayumanggi.com o 'di kaya'y bisitahin at i-like ang www.facebook.com/daloykayumanggi.)

No comments:
Post a Comment