(Ang artikulong ito ay nai-publish sa August issue ng Daloy Kayumanggi. I-tsek ang daloykayumanggi.com o 'di kaya'y bisitahin at i-like ang www.facebook.com/daloykayumanggi.)
Marami-rami ka pang mga alternatibong pamamaraan na puwedeng isaalang-alang para ang iyong pang-araw-araw na pamumuhay ay nakabatay sa “Go Green” na kampanya, kagaya ng iba.
Sa transportasyon
Pagdating sa transportasyon, sa halip na gamitin ang kotse, maigi kung gumamit na lamang ng bisikleta o ‘di naman kaya ay maglakad na lamang, lalo na kung pupunta ka lang naman sa malapit na convenient store. Tipid na, maganda pa ito sa iyong kalusugan dahil isa sa mga mabisang exercise ang pagbibisikleta at paglalakad.
Sa pagkain
Alam mo bang, kapag binago mo nang bahagya ang iyong diet ay makakapag-contribute ka na sa pagpe-preserba ng kalikasan? Naririto ang iyong mga alternatibo:
- Bumili ng mga organic products.
- Magluto at kumain na lamang sa bahay, sa halip na sa labas (tipid pa).
- Bumili nang maramihan (para tipid sa packaging).
- Bumili ng fresh na pagkain, sa halip na mga junk foods na nakapakete.
- Piliin ang isda at iba pang seafood.
- Magtanim sa paligid ng mga halaman.
Sa iba pang produkto
Sa iba pang mga karaniwang binibiling produkto naman:
- Iwasang bumili ng disposable na mga pinggan at baso.
- Gumamit ng reusable na tasa o water bottle na pwedeng dalhin kahit saan.
- Iwasang bumili ng tissue, sa halip, gumamit ng tela.
- Piliing bilhin ang rechargeable na baterya.
No comments:
Post a Comment