Tuesday, October 8, 2013

Paano Maiiwasan ang Heat Stroke

(Ang artikulong ito ay nai-publish sa September issue ng Daloy Kayumanggi. I-tsek ang daloykayumanggi.com o 'di kaya'y bisitahin at i-like ang www.facebook.com/daloykayumanggi.)

Isa sa kailangang isasaalang-alang ng mga manlalaro ay ang medical condition na heat stroke. Kung ikaw, halimbawa, ay isang soccer player, sinasabing isa ang kondisyong ito sa iyong pagtuunan ng pansin dahil sa “nature” ng iyong isports.

Naririto ang ilang tips para siguradong maiwasan ang kondisyong ito:

  • Magdala lagi ng tubig. Gayundin, magsuot ng manipis at komportableng pananamit.
  • Maaari ring uminom ng sports drinks. Ngunit, mas mura at available kasi ang tubig, kaya pwede rin namang tubig na lang ang inumin.
  • Kailangan mong malaman na, mas maganda kapag pinagpapawisan ka. Dahil, ito ang natural na mekanismo ng katawan para maalis ang init sa iyong katawan.
  • Hinay-hinay lang sa paglalaro, lalo na kung mainit ang panahon. Kapag sobra kasi ang paggalaw ng katawan, habang mainit ang panahon, mas may tyansang tamaan ka ng heat stroke.
  • Kapag naiinitan, humanap ka ng lugar na lilim mula sa araw.
  • Ang ideyal na oras ng paglalaro ay bago ang tanghaling-tapat, gayundin pagkatapos ng 6PM.

No comments:

Post a Comment

Mga Mabuti at Masamang Gawain Para sa Iyong Kidney

Isa ang sakit sa bato sa pinaka-komon na mga dahilan ng pagkamatay ng mga taosa ngayon. Kaya naman, marapat lang na alagaan mo ito. Ayon ...