(Ang artikulong ito ay nai-publish sa January 2014 issue ng Daloy Kayumanggi. I-tsek ang daloykayumanggi.com o 'di kaya'y bisitahin at i-like ang www.facebook.com/daloykayumanggi.)
Napakalaking issue ng self-esteem, lalung-lalo na sa mga kababaihan. Kung mababa ang iyong self-esteem, siguradong maaapektuhan rin ang iba’t ibang aspeto ng iyong buhay--partikular na ang pakikitungo mo sa ibang tao.
Napakalaking issue ng self-esteem, lalung-lalo na sa mga kababaihan. Kung mababa ang iyong self-esteem, siguradong maaapektuhan rin ang iba’t ibang aspeto ng iyong buhay--partikular na ang pakikitungo mo sa ibang tao.
Kaya naman, maiging matutunan mo rin kung paano mo mai-improve ang iyong self-esteem. Naririto ang ilang mga mabibisang tips:
- I-visualize mo ang iyong mas improved na sarili. Halimbawa, ano kaya ang magiging itsura mo kung mas confident ka? Paano kaya ang iyong magiging itsura ‘pag naayos mo ang iyong looks? Paano kaya ang itsura mo kung natutunan mong maglakad o gumalaw na may oozing confidence? Upang talagang mapasama sa iyong sistema, maiging gawin mo ang routine na ito araw-araw.
- Gumawa ka ng iyong Plan of Action. Tandaan: Hindi rin magiging pangmatagalan ang iyong resolution kung wala kang nailalatag na maayos na plano. Gamit ang isang notepad / notebook, ilista mo ang iyong mga ispesipikong plano na may kinalaman sa pagpapa-unlad ng iyong self-esteem. Halimbawa, isama mo sa iyong listahan o plano ang pagbabasa ng ilang mga motivational guide books o articles para magkaroon ng self-confidence.
Ang mga tips na ito ay mabisa. Ang kailangan na lang ay kung papaano mo ito ngayon isasama sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay. Pero, kagaya ng nabanggit na, kung magagawa mong paunlarin ang iyong self-esteem, marami ang mababago sa iyong buhay.
No comments:
Post a Comment