Wednesday, September 11, 2013

Iba’t Ibang Uri ng mga Katrabaho at Paano Sila Pakikiharapan

Ni Loreen Dave Calpito
 
(Ang artikulong ito ay nai-publish sa May issue ng Daloy Kayumanggi. I-tsek ang daloykayumanggi.com o 'di kaya'y bisitahin ang www.facebook.com/daloykayumanggi.)
Isa sa pinakamahalagang aspeto ng pagtatrabaho ay ang pakikisama sa mga co-workers. Iba-iba kasi ang pag-uugali ng bawat manggagawa—siyempre, iba-iba rin kasi an gating mga oryentasyon sa buhay. Gayundin, sa iba’t ibang lugar tayo namulat at lumaki. 
Anu-ano nga bang klase ang pag-uugali ng ating mga co-worker? Paano natin sila pakikiharapan?
  1. Katrabahong mahilig manira. Hindi natin maiiwasan itong ganitong klaseng tao. Pero, kung wala namang katotohanan ang paninira sa’yo, mas maiging huwag na lang itong pansinin. Sa halip na maasar, ipakita mo sa inyong mga katrabaho na hindi ka apektado, dahil wala naman itong katotohanan. Ika nga, pagtawanan mo na lang ang mga paninira sa’yo. Sigurado namang magsasawa din ‘yan.
  2. Katrabahong mahilig manghila ng co-worker pababa. Sigurado, naiinggit ‘yan sa’yo. Marahil, ang habol niyan ay promotion sa trabaho; at, ikaw ang sa tingin niyang mahigpit niyang katunggali sa posisyon. Maaaring gano’n yun. Basta, ang mahalaga’y gawin mo lang ang lahat ng iyong makakaya sa trabaho. Kung may pagkakataon, mag-aral pa. Mag-attend ng mga seminar at workshop na kaugnay ng iyong trabaho. Sa pammagitan nito, siguradong wala nang mahahanap na butas ang nanghihila sa’yo.
  3. Katrabahong BI o bad influence.” Siya o sila naman ang may mga bisyong di-kanais-nais—pag-inom, pagsusugal, paggastos nang malaki, at iba pa. Hindi naman masamang makisama sa kanila, pero tandaan na ang “environment” ay malaking factor sa pagbabago ng isang tao. Marunong ka dapat na disiplinahin ang sarili mo. Huwag patangay sa agos na pupunta naman sa daanang liku-liko.
  4. Katrabahong friendly at maaasahan. Bibihira lang ang mga taong ganyan. Sila naman ang mga taong kailangan mong i-treasure at ‘wag pakawalan. Maging totoo ka lang sa kanila para ganoon din ang magiging balik sa’yo. Kung meron ka, i-treat din sila paminsan-minsan. Dagdag-“bondin” din ito kahit papaano.
Iba-iba ang mga tao. Iba-ibang kulay, iba-ibang personalidad. Ang mahalaga: marunong ka dapat kumilatis, umiwas, makisama, at magpahalaga.

1 comment:

Mga Mabuti at Masamang Gawain Para sa Iyong Kidney

Isa ang sakit sa bato sa pinaka-komon na mga dahilan ng pagkamatay ng mga taosa ngayon. Kaya naman, marapat lang na alagaan mo ito. Ayon ...