Kumusta ang iyong boss?
Nawa ay isa ka sa mga mapapalad na mayroong mabuti at mahinahong boss. Pero, paano naman kung medyo unpredictable ang iyong superior sa trabaho? Paano ka magre-react? Paaano ka makikiharap? Paano mo pa mae-enjoy ang iyong trabaho?

Ang sagot: meron pang paraan. Naririto ang iyong mga hinahanap na mga hakbangin:

Igatan ang mga galaw sa trabaho at maging honest lagi-lagi. Ito nama’y aplikable ‘pagka ang boss mo ay yung tipong nagfa-fire na lang agad ng mga empleyado. Siya yung tipong OC (Obsessive-Compulsive) na extremely intelligent—na isang maling galaw mo lang, patay ka. Muli, mag-ingat-ingat sa mga galaw.
I-note ang pakikipag-usap / komunikasyon sa iyong boss. Mayroon kasing ibang boss na malilimutin. Sila yung tipong, kasasabi lang sa’yo ngayon na ipagpaliban ang partikular na gawain sa trabaho, pero bukas ay babalikan ka niya at sasabihin sa’yong “Bakit ‘di mo pa tapos?” Nakaka-relate ka ba? Ang sikreto dito, balikan mo ang iyong note ng kanyang instructions o ‘di kaya ipakita mo ang email ng iyong boss bilang ebidensiya.
Palitan ang trabaho. Kung talagang no-choice ka na, dahil talagang natapat ka sa “naninigaw-na-nananakot-pa” na tipo ng boss, mag-isip-isip ka na. Ang tanging choice mo na lang ay ang mag-resign. Kasi, bukod sa hindi ka na masaya, maaari ka pang magkasakit dahil sa sobrang takot.
Hayan, alam mo na ngayon ang iyong mga dapat na gawin para mapakirapan ang iyong boss. Kung wala naman sa mga nabanggit sa itaas ang katangian ng iyong boss ay mapalad ka. ‘Pag ganoon, patuloy na lang na i-build ang respeto ng iyong boss sa iyo sa pamamagitan ng masigasig at tapat na serbisyo sa trabaho.
No comments:
Post a Comment