Ni Loreen Dave Calpito
Pero, paano na ‘pag
dumating tayo sa punto na nawawalan na tayo ng interes / motibasyon
sa pagtatrabaho? Iyon bang parang hinihila na lamang tayo ng ating mga
paa sa tuwing pumapasok tayo tuwing umaga. Oo, talagang dumarating talaga
ang pagkakataong lumalamon sa ating interes na magpatuloy pa sa pagtatrabaho.
Hindi po natin maiiwasan ‘yan.
(Ang artikulong ito ay nai-publish sa May issue ng Daloy Kayumanggi. I-tsek ang daloykayumanggi.com o 'di kaya'y bisitahin ang www.facebook.com/daloykayumanggi.)
Halos lahat naman tayo
ay kailangang magtrabaho—para sa ating pamilya, para sa ating mga
pinapag-aral na mga anak, para sa ating mga sarili.
Upang mas mariwasa ang
ating pamumuhay, kailangang magsipag—kailangang magbanat ng buto.
Katunayan, ang iba nga ay ginagawang araw ang gabi para lang mabuhay
ang kanilang pamilya.
Pwes, basahin ang mga
praktikal na mga pamamaraang ito:
- Mag-print ng isang larawan ng iyong gustong makamit / mabili. I-frame ito o i-laminate para hindi madaling masira. ‘Pag tinatamaan ka ng katamaran sa pagta-trabaho o ‘di kaya ay down-na-down ka na, ugaliing tingnan ito. Kaya, ilagay ito sa iyong table o sa lugar na lagi-lagi mong nakikita. Epektibo ito. Kung nakikita mo ang bagay na gusto mong maibigay sa iyong pamilya, mas nagkakaroon ka ng ganang magsipag pang lalo.
- Mag-reflect sa sarili. Kung minsan, maganda rin namang i-assess ang iyong sarili. Bakit ka kaya nawawalan ng interes? Baka naman simpleng bagay / tao lang ang nagpapawala sa iyong gana.
- Mag-destress. Ang stress ay malaki talagang bagay na nakakaapekto sa ating motibasyon sa pagtatrabaho. Iniisip natin, masyado na nating pinapagod o inaabuso ang ating mga sarili sa pagtatrabaho. Kaya naman, magkaroon ng oras para mamasyal nang kaunti; mag-leave ng dalawang araw—magbakasyon-grande (kung ika’y papayagan ng iyong employer).
- Isipin ang pamilya. Ang pamilya ang madalas na antidote ng ating mga problema sa trabaho. Marapat mong isipin kung anong maaaring kahihinatnan ng iyong pamilya kung wala ka nang trabaho. Paano sila mabubuhay? Paano makakapagtapos ng kolehiyo ang iyong mga anak?
Take
it easy. ‘Wag
masyadong seryosohin ang mga bagay-bagay. Baguhin ang mga pangit na
pananaw sa buhay. Sigurado, hindi ka mawawalan ng ganang magtrabaho.
No comments:
Post a Comment