Ni Loreen Dave Calpito
Marami na naman ang nagsisipagtapos
sa pag-aaral. Marami na rin ang gustong magkatrabaho agad pagkatapos
ng kolehiyo.
(Ang artikulong ito ay nai-publish sa March issue ng Daloy Kayumanggi. I-tsek ang daloykayumanggi.com o 'di kaya'y bisitahin ang www.facebook.com/daloykayumanggi.)

Puwes, matuto ng ilang mga istratehiya
sa paghahanap ng trabaho, para agad-agad, pagkatapos ng graduation ay mayroong
trabagong mapupuntahan agad.
Pero, marapat ding tandaan, na kinakailangan
ng masinsinang pag-iisip kung ano nga ba ang trabaho swak sa iyo. Hindi
pwedeng, basta nandiyan na, iga-grab mo na agad. Kailangan
mong gamitin sa puntong ito ang nasa pagitan ng iyong dalawang tainga.
- Humanap ng isang career advisor. Maaari rin namang isang kaibigan lang na may background sa career advising ang pwede mong lapitan; o ‘di naman kaya, kapamilya. Maaari niyong mapag-usapan ang iyong career path nang sa gayon ay talagang magabayan ka bago ka sumabak sa totoong buhay.
- Maaari ka ring pumunta sa ilang mga job fair. Marami-raming mga magagandang kumpanya ang sumasali sa mga ganitong event. Kaya, maglaan ng oras na itsek ang mga ito. Tingnan kung anu-anong mga trabaho ang in-demand ngayon na pwede mong paghandaang pasukan.
- Matutong gumawa ng sensible na desisyon para sa iyong sarili. Gradweyt ka na. Ibig sabihin nito, inaasahang alam mo na ang tama o mali para sa iyong sarili. ‘Wag basta-basta nagpapadikta sa iba. Ang mas pakikinggan mo ay ang iyong sariling desisyon. Anong uri ng trabaho ang pasok sa iyong interes? Saang lugar mo gustong magtrabaho? Ang mga kasagutan ay ikaw lang ang nakaaalam.
- Maganda ring i-tap ang iyong mga network. Kung may mga kakilala / kapamilya ka nang may stable na trabaho sa isang kumpanya, maaari mo siyang lapitan at ‘wag mahiyang magpatulong. Malay mo, mayroong job opening sa kanila na maaaring pasok sa iyong interes.
No comments:
Post a Comment