Halos lahat naman tayo
ay talagang nagsisimula sa ibaba. Pati ang mga matatagumpay na tao ngayon
sa kanilang karera ay dumaan din diyan. Kung ikaw ay bagong
gradweyt at naghahanap ng trabaho, ang sikreto diyan, ‘wag munang
mamili.
Sa panahon ngayon, maganda
rin kung praktikal tayo kung mag-isip. Ang mahalaga kasi muna, makaipon
ka ng sapat na experience (mga dalawang taon sa unang trabaho) para
mas madaling matanggap sa talagang gustong pasukang trabaho.
Kumbaga, ito’y nagsisilbing
training ground o lunsaran mo para ma-develop mo ang iyong abilidad
sa pagtatrabaho—mapaganda rin ang pakikitungo mo sa’yong mga katrabaho,
ma-expose ka sa real working scenario.
Marami kasi ngayon ang
hindi nagtatrabaho kasi hindi related sa kursong tinapos ang available
na trabaho. Pero, kung wala talagang
choice, kaysa wala kang trabaho na nakikita ng mga tao, doon ka muna
sa available na trabaho.
Ang mahalaga, nakakatulong
ka sa’yong pamilya. Ang mahalaga, nakakapag-contribute ka na sa pagbabayad
ng bills buwan-buwan—sa pagbabayad ng tuition fee ng inyong mga nakababatang
kapatid. Ang mahalaga rin, nakaipon ka ng sapat na experience—pampataba
baga ng iyong resume ‘pag nag-aplay ka na ulit sa iyong gustong trabaho.
Isipin mo na lang, bawat
karanasang natutunan mo ay malaking bagay upang ika’y mag-grow-up
bilang tao at sa iyong karera. Hinay-hinay lang, kapatid!
No comments:
Post a Comment