Marahil, nitong nakaraang taon, nasanay tayo lagi sa mga linyang may indikasyon ng pagmamadali. Tulad halimbawa: “Kailangan kong tumakbo kasi late na ako;” “Kailangan kong madaliing tapusin ito kasi magagalit sa akin ang boss ko;” o ‘di kaya “Kailangan kong mag-cram ngayong gabi kasi may mini-meet akong deadline.”
Kung aminado kang nasa bokabularyo mo ang mga kataga sa itaas, panahon na para matauhan. Maniwala ka, hindi nakakatulong ang mga ito sa’yo. Sa halip, nakakapagpatanda pa ito nang maraming beses sa iyo. Ito’y dahilan sa, ang mga linyang ito ay nagbibigay ng signal sa iyong katawan na magpalabas ng adrenaline, kung kaya ikaw ay nai-stress nang lalo.
Sa halip, maging conscious ka sa iyong mga pananalita. Kailangan mong i-reprogram ang iyong mga bokabularyo. Pwede mo namang sabihing, “Ayusin ko lang ito, kasi kakailanganin bukas,” sa halip na “Kailangan kong magpuyat dahil deadline ko na bukas.”
Makakatulong din kung humingi ka ng tulong sa Panginoon. Maaari mong idulog sa kanya ang iyong mga pangangailangan. Makakagaan ito sa iyong mga dinadala. Isa pa, hindi ka pa tatanda nang husto sa kakaproblema.