Layunin ng site na ito na makapag-inspire, makapagpasaya at makapagbigay ng makabuluhang impormasyon tungo sa ika-uunlad ng bawat Pinoy.
Monday, October 21, 2013
Tuesday, October 8, 2013
Paano Maiiwasan ang Heat Stroke
(Ang artikulong ito ay nai-publish sa September issue ng Daloy Kayumanggi. I-tsek ang daloykayumanggi.com o 'di kaya'y bisitahin at i-like ang www.facebook.com/daloykayumanggi.)
Isa sa kailangang isasaalang-alang ng mga manlalaro ay ang medical condition na heat stroke. Kung ikaw, halimbawa, ay isang soccer player, sinasabing isa ang kondisyong ito sa iyong pagtuunan ng pansin dahil sa “nature” ng iyong isports.
Naririto ang ilang tips para siguradong maiwasan ang kondisyong ito:
- Magdala lagi ng tubig. Gayundin, magsuot ng manipis at komportableng pananamit.
- Maaari ring uminom ng sports drinks. Ngunit, mas mura at available kasi ang tubig, kaya pwede rin namang tubig na lang ang inumin.
- Kailangan mong malaman na, mas maganda kapag pinagpapawisan ka. Dahil, ito ang natural na mekanismo ng katawan para maalis ang init sa iyong katawan.
- Hinay-hinay lang sa paglalaro, lalo na kung mainit ang panahon. Kapag sobra kasi ang paggalaw ng katawan, habang mainit ang panahon, mas may tyansang tamaan ka ng heat stroke.
- Kapag naiinitan, humanap ka ng lugar na lilim mula sa araw.
- Ang ideyal na oras ng paglalaro ay bago ang tanghaling-tapat, gayundin pagkatapos ng 6PM.
Wednesday, October 2, 2013
Mga Alternatibong Pamamaraan sa Pangangalaga ng Kapaligiran
(Ang artikulong ito ay nai-publish sa August issue ng Daloy Kayumanggi. I-tsek ang daloykayumanggi.com o 'di kaya'y bisitahin at i-like ang www.facebook.com/daloykayumanggi.)
Marami-rami ka pang mga alternatibong pamamaraan na puwedeng isaalang-alang para ang iyong pang-araw-araw na pamumuhay ay nakabatay sa “Go Green” na kampanya, kagaya ng iba.
Sa transportasyon
Pagdating sa transportasyon, sa halip na gamitin ang kotse, maigi kung gumamit na lamang ng bisikleta o ‘di naman kaya ay maglakad na lamang, lalo na kung pupunta ka lang naman sa malapit na convenient store. Tipid na, maganda pa ito sa iyong kalusugan dahil isa sa mga mabisang exercise ang pagbibisikleta at paglalakad.
Sa pagkain
Alam mo bang, kapag binago mo nang bahagya ang iyong diet ay makakapag-contribute ka na sa pagpe-preserba ng kalikasan? Naririto ang iyong mga alternatibo:
- Bumili ng mga organic products.
- Magluto at kumain na lamang sa bahay, sa halip na sa labas (tipid pa).
- Bumili nang maramihan (para tipid sa packaging).
- Bumili ng fresh na pagkain, sa halip na mga junk foods na nakapakete.
- Piliin ang isda at iba pang seafood.
- Magtanim sa paligid ng mga halaman.
Sa iba pang produkto
Sa iba pang mga karaniwang binibiling produkto naman:
- Iwasang bumili ng disposable na mga pinggan at baso.
- Gumamit ng reusable na tasa o water bottle na pwedeng dalhin kahit saan.
- Iwasang bumili ng tissue, sa halip, gumamit ng tela.
- Piliing bilhin ang rechargeable na baterya.
Subscribe to:
Posts (Atom)
Mga Mabuti at Masamang Gawain Para sa Iyong Kidney
Isa ang sakit sa bato sa pinaka-komon na mga dahilan ng pagkamatay ng mga taosa ngayon. Kaya naman, marapat lang na alagaan mo ito. Ayon ...
-
Marahil, nagtataka ka kung ano ang mind map o mind mapping. Ang mind mapping, kagaya ng idinidikta ng pangalan nito, ay isang teknik para m...
-
Halos lahat naman tayo ay talagang nagsisimula sa ibaba. Pati ang mga matatagumpay na tao ngayon sa kanilang karera ay dumaan din diy...
-
Maraming mga indibidwal ang hindi nae-enjoy ang pagta-trabaho o hindi nasisiyahan sa kanilang mismong trabaho. Isa ka ba sa kanila? ...