Natural na sa tao ang pakakaranas ng stress, subalit meron naman itong hindi magandang dulot sa katawan. Imbes na gumastos pa para sa mga gamot dahil sa kung anu-anong sakit na dala ng stress, mayroong walong simple at madaling paraan upang mas mapabuti pa ang iyong kalusugan.
1.Uminom ng mas maraming tubig. Ang pag-inom ng 8-10 baso ng tubig ay nakatutulong upang maiwasan ang mga sakit na gaya ng sakit ng ulo at puson at marami pang sintomas.
2. Maglakad nang mabilis. Kung hindi mo kayang mag-jogging, maglakad ka ng mabilis upang ma-exercise ang iyong mga kalamnan at puso.
3. Lumanghap ng sariwang hangin. Kung meron kang pagkakataon na makalanghap ng sariwang hangin o oxygen sa pamamagitan ng pagbisita sa isang garden o parke, maglaan ka ng oras upang gawin ito. Hindi lamang ito nakakatanggal ng stress, positibo din ang dulot nito sa iyong kalusugan.
4. Yakapin ang taong mahal mo. Sa tuwing niyayakap mo ang isang taong mahalaga sa iyo, naglalabas ang utak ng oxytocin, isang hormone na may kakayahang labanan ang depression.
5. Kumain ng prutas at gulay araw-araw. Natural na mayaman sa antioxidants ang gulay at prutas na mainam panlaban sa mga sakit.
6. Tumulong ka sa ibang tao. Ang paggawa ng mabuti sa iba ay hindi lamang nakagagaan ng pakiramdam, tumutulong din itong palakasin ang iyong resistensiya ayon na rin sa pag-aaral dahil sa positibong pakiramdam na idinudulot nito.
7. Magpasalamat sa lahat ng biyayang natanggap mo. Imbes na magmukmok ka at mag-reklamo, isipin mo ang mga bagay na meron ka at iyon ang ipagpasalamat mo sa araw-araw.
8. Siguruhing malusog ang iyong ngipin. Ilang pag-aaral ang nagsasabing kapag may sira kang ngipin, maaaring magkaroon ka ng sakit sa puso. Ang dahilan umano ay maaaring lumipat sa ating mga ugat at kumpait sa heart valves ang mga mikrobyo sa ating bibig. Kaya naman, maigi ang paggamit ng tongue cleaner at floss araw-araw.
Hayan, sa pamamagitan ng mga simpleng tips sa itaas, siguradong hahaba pa ang iyong buhay. IBAHAGI ang artikulong ito sa iyong mga mahal sa buhay para mapanatili ring malusog ang kanilang pangaganatawan. (artikulo ni DAVE CALPITO)