Saturday, April 11, 2015

Mga Mabisang Prebensyon sa Depresyon

Nakararanas ka ba ng matinding lungkot, pagkawala ng ganang kumain, pag-iisip ng mga negatibong bagay at hindi normal na pagtulog? Ilan lamang ang mga ito sa mga sintomas ng depresyon.

Kaya naman, marapat itong agapan at lunasan bago pa lumala ang lahat.

Naririto ang ilang mga mabisang prebensyon ayon sa librong “Home Remedies: A guide to symptoms and cures” ni Dr. Caroline Shreeve:

Counselling – Kung mayroon kang hindi pa nareresolbang trauma sa iyong nakaraan, kailangan mong magpatingin sa isang espesyalista para mabigyan ka ng nararapat na therapy.

Makipag-usap – Magandang ibahagi mo sa iyong mga kaibigan, katrabaho, kapamilya o maging sa iyong boss ang iyong mga nararamdaman o ang iyong problema.

Maging malay sa mga senyales – Ang biglaang pagbaba ng timbang, pagkawala ng appetite, at paggising nang maaga ay ilan lamang sa mga senyales.

Makatutulong din ang mga sumusunod na pamamaraan para malunasan o maiwasan ang iyong depresyon:



  1. Nakatutulong ang outdoor exercise, kagaya ng jogging, sapagkat nakatutulong ito sa pagpo-prodyus ng endorphins sa katawan.
  2. Nakatutulong din ang pagkain ng fresh fruits at vegetables at pag-inom ng mga fresh juices.
  3. Maiging kumain ng mga isada, pabo, dried dates at saging -- nakapagpapataas ito ng serotonin sa utak, na karaniwang mababa sa mga depressed na mga indibidwal.
  4. Maligo ng maligamgam.
  5. Magpamasahe.
  6. Mabisa ang aromatherapy, lumanghap ng rose at ylang-ylang essences halimbawa.
  7. Ayon sa mga eksperto, uminom din daw ng multivitamin / mineral supplement, vitamin C with bioflavonoids at B vitamins -- may stress-relieving properties ang mga ito.

Bago pa mauwi sa malalang sitwasyon, maiging agapan ang sakit na ito.

*Basahin din: philippinesjapan,com at viralnewspilipinas.blogspot.com.

Friday, April 10, 2015

Tips Para Ma-enjoy ang Pamamasyal Kasama ang mga Anak


Ang pamamasyal kasama ang pamilya ay isa sa mga hindi malilimutang karanasan.
Sa mga magulang, ito ang pagkakataong maka-bonding nila ang kanilang mga anak, pagkatapos ng linggo ng pagtatrabaho. Kumbaga, ito ay isang mabisang paraan para matanggal ang stress, gayundin para magkaroon ng update mula sa mga anak.
Sa mga anak naman, ito ang tyansang makapunta sa ibang lugar, makakilala ng ibang tao, at mapataas pa ang kumpyansa sa kanilang mga sarili. Sa paglaki, napakahalaga kasing marunong ang inyong mga anak na makipag-socialize at ma-expose sa ibang mga lugar (bukod sa inyong lugar na kinalakhan).
Naririto ang ilang mga tips na kailangang isaalang-alang para siguradong mag-enjoy ang buong pamilya at ituring ng inyong mga anak na hindi malilimutang karanasan sa kanilang buong buhay ang inyong pamamasyal:

1. Bigyan sila ng freedom. Tandaan na, kaya kayo namasyal para ma-expose sila sa ibang mga tao at ibang kapaligiran, kaya kahit papaano, bigyan sila ng freedom. Gayunpaman, 'wag silang masyadong pabayaan. Maging cautious pa rin sa mga ginagawa at sa mga kinakausap ng mga anak para sa kanilang seguridad.

2. 'Pag lumalabas habang nasa bakasyon, 'wag ipasama ang mga mamahaling gadget ng inyong mga anak. Kapag nawili na kasi ang anak sa pakikipaglaro, halimbawa, sa mga bagong kakilala, maaari nilang makalimutan na may dala-dala silang mga mamahaling gadget. Maaaring mawala ang mga ito o ‘di kaya manakaw sa kanila.

3. ‘Wag isabay ang pagbabakasyon sa petsa kung kalian papalapit na ang mga pagsusulit ng mga anak. Maaaring hindi makapag-concentrate sa pamamasyal at, siyempre, hindi makapag-enjoy nang husto ang inyong mga anak, kung saka-sakali. O ‘di naman kaya, ang mas malala nito, baka mababa ang makuha nila sa eksaminasyon.

4. ‘Wag pagalitan ang inyong mga anak sa gitna ng maraming tao. Oo’t maaaring nagkasala ang inyong mga anak. Subalit, ‘wag na ‘wag silang pahihiyain sa ibang tao. Maaari nila itong matandaan at dibdibin na maaaring makapagdulot ng gap sa pagitan ninyo ng inyong mga anak.

5. Ikonsidera rin ang pagkain. Baka kasi maselan sa pagkain o tubig ang inyong mga anak. Kaya, pwedeng magbaon ng mga homemade na pagkain o ‘di naman kaya ay ibilhn sila ng pagkain, halimbawa ay delata, na siguradong nakakain ng inyong mga anak.

Gawing kapaki-pakinabang ang pamamasyal kasama ang inyong mga anak, kasama ang inyong pamilya. Sapagkat, sa ganitong pagkakataon lumalalim ang respeto at pagmamahalan sa bawat isa sa pamilya. Gawing hindi malilimutang karanasan ang inyong susunod na pamamasyal!

Mga Mabuti at Masamang Gawain Para sa Iyong Kidney

Isa ang sakit sa bato sa pinaka-komon na mga dahilan ng pagkamatay ng mga taosa ngayon. Kaya naman, marapat lang na alagaan mo ito. Ayon ...