Friday, December 8, 2017

Mga Natural na Paraan Upang Muling Makatulog nang Maayos

Hirap matulog? Madali lang itong solusyunan gamit ang mga natural na paraan na maaari mong gawin sa bahay. Hindi kailangang uminom ng mga pampatulog. Sundin lang ang mga sumusunod na tips at muling maibalik ang sarap ng iyong pagtulog:


1. Maglaan ng regular na pagtulog at paggising. Ang dahilan ng problema sa pagtulog ay kawalan ng nararapat na sleep pattern. Siguraduhing matulog at gumising sa parehong oras araw-araw depende sa iyong schedule para masanay ang iyong katawan.

2. Gawing mas komportable ang iyong tulugan. Ang kalinisan ng iyong tulugan ay nakakatulong din upang makatulog ka nang maayos. Palitan ang punda at bedsheet nang regular. Labhan ang mga ito nang mabuti at gumamit ng fabric conditioner upang mapabango sila.

3. Bawasan ang pag-inom ng kape. Ang caffeine sa kape ang nagpapanatili sa iyong gising. Kung napapadalas ang inom ng kape, unti-unting bawasan ito upang makatulog nang mas mabilis.

4. Uminom ng Vitamin B Complex. Ayon sa ilang eksperto, hindi lamang nakatutulong ang bitaminang ito para ikaw ay makatulog, napagagana ka rin nito sa pagkain.

5. Maligo ng maligamgam na tubig, makinig ng musika, at mag-meditate. Nagagawa kang mas relaxed ng mga pamamaraang ito.

Ibalik ang tamang sleep pattern at makatulog nang maayos gamit itong mga simpleng tip. (sinulat ni DAVE CALPITO)


 

Tuesday, December 5, 2017

Ilang Mabisang Prebensiyon sa High Blood Pressure

Sinasabing ang pinakamalaking risk factor ng heart attacks at strokes ay ang pagtaas ng blood pressure (BP). Katunayan, sinasabi ng mga eksperto na ito ay silent killer.

Ilan lamang sa mga sintomas nito ay ang mga sumusunod:

- pagsakit ng ulo, partikular na kapag bagong gising
- pakiramdam na parang lumulutang
- pagkahilo
- 'blackout'



Marami na rin ang mga nabawian ng buhay bunsod ng sakit na ito. Kung kaya, marapat lamang na bigyan ng sapat na atensyon ang sakit na ito -- labanan ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na prebensyon:

1) Magbawas ng sobrang timbang.
2) Mag-ehersisyo nang regular.
3) Iwasang uminom ng sobrang alak.
4) I-maintain ang healthy diet. Iwasan ang mga matataba at maaalat na mga pagkain, sapagkat binabarahan nito ang mga arteries.
5) Magbawas ng stress. Maaari ring mag-download ng mga relaxing music at videos sa Internet.
6) Nakatutulong ang aromatherapy, kagaya ng ylang-ylang essence, sapagkat nakapagpapakalma ang mga ito.
7) Iwasang magalit, magselos at iba pang negatibong pakiramdam.
8) Inumin ang mga gamot na iprinescribed ng iyong doktor.
9) Kapag nakaramdam ng side effects, 'wag basta ihinto ang gamot, konsultahin ang iyong doktor.
10) Regular na magpa-check ng iyong blood pressure.

Alamin Ang 5 Healing Benefits Ng Lemon

Kung hindi ka kumakain ng lemon o umiinom ng juice nito, maaaring magbago ang isip mo kapag nalaman mong hindi lang isa, kundi marami pang magandang naidudulot ang pagkain ng lemon o pag-inom ng juice nito sa iyong katawan.

Panlaban sa cancer. Mayaman ang lemon sa anti-cancer compounds na tumutulong patigilin ang pagdami ng cancer cells sa katawan.

Ubo at sipon at iba pang sakit. Sikat ang lemon pagdating sa paglaban sa ubo, sipon, at flu dahil na rin mayaman ito sa vitamin C at flavonoids na tumutulong labanan ang mga sakit.



Liver detoxifier. Mabisang detoxifier o panlinis ng atay ang isang basong tubig na hinaluan ng fresh lemon juice.

Anti-viral. Bukod sa mga karaniwang sakit, anti-viral din ang lemon dahil sa terpene limonoids na taglay nito na lumalaban sa iba’t ibang klase ng virus sa katawan.

Allergy at diabetes. Mayaman ang lemon sa hesperetin, isang phytonutrient upang maiwasan ang mga sintomas ng allergies. Mabisa din ang nasabing phytonutrient sa pagpapababa ng blood sugar levels para sa mga diabetic. (sinulat ni Dave Calpito)

Monday, December 4, 2017

Mga Pagkaing Pampaganda, Alamin

Gusto mo bang gumanda o magmukhang mas bata sa iyong edad? Maraming mga paraan para magawa ito. Isa na rito ang pagkain ng mga pagkaing masusustansiya, kagaya ng mga sumusunod:

Kamatis -- Isa pang magandang kainin ang kamatis, sapagkat mayroon itong lycopene na nakatutulong para labanan ang skin cancer at wrinkles.



Green Tea -- Ang green tea ay mayroong antioxidant na nakatutulong para ma-reuvenate ang iyong katawan.

Pakwan -- Mabisa ang pagkain ng pakwan sa pagpapaganda, sapagkat mayroon itong lycopene at Vitamin A na nakababawas ng wrinkles. Mayroon din itong Vitamin C, fiber, at antioxidants.



Bawang -- Hindi man masarap ang lasa nito, nakakaalis naman ito ng acne at pamamaga na dulot ng free radicals sa katawan.

Kung gusto mong gumanda, ugaliing bilhin at kainin ang mga nasabing pagkain.

Sunday, December 3, 2017

Ex-OFW sa Lasam Cagayan, biktima ng scam sa Facebook

Isang dating OFW na tubong Lasam, Cagayan ang nabiktima ng isang scam sa Facebook.

Ang biktima ay kinilalang si Elmer Alos, 52 anyos.

Ayon sa kuwento ng biktima sa PNP Lasam, base sa ulat ng Bombo Radyo, isang private message umano ang natanggap niya mula sa kanyang pinsan na si Mirriam Visaya na nag-aalok ng trabaho sa Canada.



Nang tinanong umano ng biktima kung papaano ang proseso, ang sagot umano sa kanya ay magpadala ng P60,000 sa isang Rafael Hernandez.

Agad naman umanong nagpadala si Alos sa nasabing pangalan sa pamamagitan ng dalawang transaksiyon.

Huli na umano nang mabasa niya ang post ng kapatid ni Mirriam na nagsasabing na-hack ang account ng huli.

Agad din umanong tumawag ang biktima sa pinsan upang kumpirmahin ang insidente.

Ayon sa ulat, nakuha umano ang halaga sa Pampanga. (sinulat ni DAVE CALPITO)


Friday, December 1, 2017

'Open letter' ni Maine Mendoza, trending sa social media

Naging matunog kamakailan sa social media ang "open letter" na naglalaman ng kanyang saloobin hinggil sa kanyang mga fans.



Sa nasabing sulat o post, bagama't nagpapasalamat siya sa suporta ng mga fans sa naging tambalan nila ni Alden, pakiramdam umano niya ay tila ba nasa isa siyang kahon.

“I am grateful to have all of you who have walked this path with me. But I need to be honest, I am at this point where I feel like I live in a box," ika ng aktres.

"I have not been able to do what I want and say what I feel because every time I try to express my thoughts and feelings,someof you tend to misapprehend and invalidate them in so many ways. Telling me I am not supposed to feel that way because I am ‘rich and famous.’ Telling me I have no right to be sad and hurt because I have everything a person could ask for. Judging, blaming and getting mad at me for expressing what I truly feel just because you do not agree and it is inconvenient for you. Dictating me what I should feel and should not feel.Ang hirap," dagdag pa niya.

Sa hulihan ng kanyang letter, humiling siya ng respeto mula sa mga tao.

"Naiintindihan ko na pinoprotektahan niyo lang kami, at nagpapasalamat ako sa lahat ng ginagawa niyong pagtatanggol sa amin, pero sana maintindihan niyo din na hindi kailangan maliitin ang pagkatao ng iba. Hindi niyo sila kailangan tirahin ng masasamang salita," wika niya.

Source: Bombo Radyo (http://www.bomboradyo.com/maine-mendoza-aka-yaya-dub-may-hiling-sa-mga-fans-nila-ni-alden-richards/)

Thursday, April 27, 2017

3 Epektibong Tips Para Maiwasan ang Cancer

Hindi maitatangging maraming mga tao ang takot sa cancer o ayaw magkaroon nito. Bukod sa magastos ang pagpapagamot nito, maaari pa nitong maapektuhan ang ilang mga bahagi ng katawan.

Upang maiwasan ang nakamamatay na sakit na ito, naririto ang ilang mga paraang maaari mong isaisip:


  • Mag-detoxify. Uminom ng walo hanggang 10 baso ng fresh at purified na tubig araw-araw. Siguruhin ding magbawas araw-araw.
  • Kumain ng mga berdeng pagkain at iyong mga pagkaing mayroong high-fiber content. Nalalabanan din nito ang acidity sa katawan na siyang nagdudulot ng cancer.
  • Palakasin ang immune system. Bukod sa pag-eehersisyo at pagkain ng masusustansiyang mga pagkain, maigi ring uminom ng vitamin-mineral supplement.


Mga Mabuti at Masamang Gawain Para sa Iyong Kidney

Isa ang sakit sa bato sa pinaka-komon na mga dahilan ng pagkamatay ng mga taosa ngayon. Kaya naman, marapat lang na alagaan mo ito. Ayon ...