Sinasabing ang pinakamalaking risk factor ng heart attacks at strokes ay ang pagtaas ng blood pressure (BP). Katunayan, sinasabi ng mga eksperto na ito ay silent killer.
Ilan lamang sa mga sintomas nito ay ang mga sumusunod:
- pagsakit ng ulo, partikular na kapag bagong gising
- pakiramdam na parang lumulutang
- pagkahilo
Marami na rin ang mga nabawian ng buhay bunsod ng sakit na ito. Kung kaya, marapat lamang na bigyan ng sapat na atensyon ang sakit na ito -- labanan ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na prebensyon:
1) Magbawas ng sobrang timbang.
2) Mag-ehersisyo nang regular.
3) Iwasang uminom ng sobrang alak.
4) I-maintain ang healthy diet. Iwasan ang mga matataba at maaalat na mga pagkain, sapagkat binabarahan nito ang mga arteries.
5) Magbawas ng stress. Maaari ring mag-download ng mga relaxing music at videos sa Internet.
6) Nakatutulong ang aromatherapy, kagaya ng ylang-ylang essence, sapagkat nakapagpapakalma ang mga ito.
7) Iwasang magalit, magselos at iba pang negatibong pakiramdam.
8) Inumin ang mga gamot na iprinescribed ng iyong doktor.
9) Kapag nakaramdam ng side effects, 'wag basta ihinto ang gamot, konsultahin ang iyong doktor.
10) Regular na magpa-check ng iyong blood pressure.
No comments:
Post a Comment