Isang dating OFW na tubong Lasam, Cagayan ang nabiktima ng isang scam sa Facebook.
Ang biktima ay kinilalang si Elmer Alos, 52 anyos.
Ayon sa kuwento ng biktima sa PNP Lasam, base sa ulat ng Bombo Radyo, isang private message umano ang natanggap niya mula sa kanyang pinsan na si Mirriam Visaya na nag-aalok ng trabaho sa Canada.
Nang tinanong umano ng biktima kung papaano ang proseso, ang sagot umano sa kanya ay magpadala ng P60,000 sa isang Rafael Hernandez.
Agad naman umanong nagpadala si Alos sa nasabing pangalan sa pamamagitan ng dalawang transaksiyon.
Huli na umano nang mabasa niya ang post ng kapatid ni Mirriam na nagsasabing na-hack ang account ng huli.
Agad din umanong tumawag ang biktima sa pinsan upang kumpirmahin ang insidente.
Ayon sa ulat, nakuha umano ang halaga sa Pampanga. (sinulat ni DAVE CALPITO)
Source: Bombo Radyo (http://www.bomboradyo.com/
|
Layunin ng site na ito na makapag-inspire, makapagpasaya at makapagbigay ng makabuluhang impormasyon tungo sa ika-uunlad ng bawat Pinoy.
Sunday, December 3, 2017
Ex-OFW sa Lasam Cagayan, biktima ng scam sa Facebook
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Mga Mabuti at Masamang Gawain Para sa Iyong Kidney
Isa ang sakit sa bato sa pinaka-komon na mga dahilan ng pagkamatay ng mga taosa ngayon. Kaya naman, marapat lang na alagaan mo ito. Ayon ...
-
Marahil, nagtataka ka kung ano ang mind map o mind mapping. Ang mind mapping, kagaya ng idinidikta ng pangalan nito, ay isang teknik para m...
-
Halos lahat naman tayo ay talagang nagsisimula sa ibaba. Pati ang mga matatagumpay na tao ngayon sa kanilang karera ay dumaan din diy...
-
Maraming mga indibidwal ang hindi nae-enjoy ang pagta-trabaho o hindi nasisiyahan sa kanilang mismong trabaho. Isa ka ba sa kanila? ...
No comments:
Post a Comment