Monday, December 4, 2017

Mga Pagkaing Pampaganda, Alamin

Gusto mo bang gumanda o magmukhang mas bata sa iyong edad? Maraming mga paraan para magawa ito. Isa na rito ang pagkain ng mga pagkaing masusustansiya, kagaya ng mga sumusunod:

Kamatis -- Isa pang magandang kainin ang kamatis, sapagkat mayroon itong lycopene na nakatutulong para labanan ang skin cancer at wrinkles.



Green Tea -- Ang green tea ay mayroong antioxidant na nakatutulong para ma-reuvenate ang iyong katawan.

Pakwan -- Mabisa ang pagkain ng pakwan sa pagpapaganda, sapagkat mayroon itong lycopene at Vitamin A na nakababawas ng wrinkles. Mayroon din itong Vitamin C, fiber, at antioxidants.



Bawang -- Hindi man masarap ang lasa nito, nakakaalis naman ito ng acne at pamamaga na dulot ng free radicals sa katawan.

Kung gusto mong gumanda, ugaliing bilhin at kainin ang mga nasabing pagkain.

No comments:

Post a Comment

Mga Mabuti at Masamang Gawain Para sa Iyong Kidney

Isa ang sakit sa bato sa pinaka-komon na mga dahilan ng pagkamatay ng mga taosa ngayon. Kaya naman, marapat lang na alagaan mo ito. Ayon ...