Friday, December 8, 2017

Mga Natural na Paraan Upang Muling Makatulog nang Maayos

Hirap matulog? Madali lang itong solusyunan gamit ang mga natural na paraan na maaari mong gawin sa bahay. Hindi kailangang uminom ng mga pampatulog. Sundin lang ang mga sumusunod na tips at muling maibalik ang sarap ng iyong pagtulog:


1. Maglaan ng regular na pagtulog at paggising. Ang dahilan ng problema sa pagtulog ay kawalan ng nararapat na sleep pattern. Siguraduhing matulog at gumising sa parehong oras araw-araw depende sa iyong schedule para masanay ang iyong katawan.

2. Gawing mas komportable ang iyong tulugan. Ang kalinisan ng iyong tulugan ay nakakatulong din upang makatulog ka nang maayos. Palitan ang punda at bedsheet nang regular. Labhan ang mga ito nang mabuti at gumamit ng fabric conditioner upang mapabango sila.

3. Bawasan ang pag-inom ng kape. Ang caffeine sa kape ang nagpapanatili sa iyong gising. Kung napapadalas ang inom ng kape, unti-unting bawasan ito upang makatulog nang mas mabilis.

4. Uminom ng Vitamin B Complex. Ayon sa ilang eksperto, hindi lamang nakatutulong ang bitaminang ito para ikaw ay makatulog, napagagana ka rin nito sa pagkain.

5. Maligo ng maligamgam na tubig, makinig ng musika, at mag-meditate. Nagagawa kang mas relaxed ng mga pamamaraang ito.

Ibalik ang tamang sleep pattern at makatulog nang maayos gamit itong mga simpleng tip. (sinulat ni DAVE CALPITO)


 

No comments:

Post a Comment

Mga Mabuti at Masamang Gawain Para sa Iyong Kidney

Isa ang sakit sa bato sa pinaka-komon na mga dahilan ng pagkamatay ng mga taosa ngayon. Kaya naman, marapat lang na alagaan mo ito. Ayon ...