Thursday, September 19, 2013

Gusto Mo Ba ng Libreng Text Message?

Nasa abroad ka ba? O 'di naman kaya, kailangang-kailangan mo na bang ma-text ang iyong kaibigan o mahal sa buhay, ngunit nag-expire na ang iyong unlitxt?

May solusyon sa problema mo: ang Magtxt.com.

'Wag mag-alala, legit naman ito. Siguradong makakarating sa itetext mo.

Pagbukas ng site (ang Magtxt.com), agad pumunta sa Top Bar ng website at i-click ang FREE SMS.

Pagdating mo sa webpage na ito, makikita sa kanang bahagi ang message bar. I-type ang numero ng iyong tinetext, pangalan mo, ang iyong mensahe at i-type din ang captcha code at, presto, nai-send na ang iyong mensahe.

Tandaan: Idagdag sa iyong mensahe na kailangang mag-reply sa iyong number mismo dahil hindi mo ito matatanggap kapag nag-reply ang iyong tine-text sa numerong ginamit mo sa Magtxt.com.



* I-like din ang https://www.facebook.com/tipspinoy.

Wednesday, September 18, 2013

Bago Ka Bumili, Mag-isip-isip Ka Muna

Sa panahon ngayon, talagang kinakailangang magkaroon ng sapat na kaalaman hinggil sa pagtitipid at pag-iinvest sa ilang makabuluhang bagay.


Kalimitan kasi, kapag namimili tayo, ni hindi tayo nagdadalawang-isip na bilhin ito. Basta gusto natin, labas ang pera at yun na...


Pero sabi ng ilang mga financial expert, kung gusto mo raw yumaman, kinakailangan ng magandang atityud.


Una sa lahat, kinakailangan mong magkaroon ng goal / goals. Ano ba ang iyong gustong bilhin? Bahay? Lupa? Sasakyan? Anuman ang iyong kagustuhan, nakasalalay ito sa iyong pag-uugali pagdating sa paghahawak ng pera.


Ikalawa, kailangan mo raw munang isipin kung kailangang-kailangan mo ang isang bagay na gusto mong bilhin (hindi lang basta gusto mo o meron kang pambili). Mahalaga ring isipin kung para saan ang iyong binibili. Luho? Pamporma? Eh maiging ‘wag na lang muna. Nakatipid ka pa.


Kumonsulta rin sa ilang mga financial expert. Hindi kinakailangang makipag-meet personally sa taong eksperto. Maaari ka rin namang bumili ng kanilang mga libro at doon mo sila kausapin. Magtanung-tanong din sa mga naging successful na pagdating sa pag-iimpok ng pera. Siyempre pa, humingi ng gabay mula sa itaas.

Tuesday, September 17, 2013

Paano Pakiharapan at Pakisamahan ang Iyong Boss

Kumusta ang iyong boss?
 
Nawa ay isa ka sa mga mapapalad na mayroong mabuti at mahinahong boss. Pero, paano naman kung medyo unpredictable ang iyong superior sa trabaho? Paano ka magre-react? Paaano ka makikiharap? Paano mo pa mae-enjoy ang iyong trabaho?


Ang sagot: meron pang paraan. Naririto ang iyong mga hinahanap na mga hakbangin:

Kalma lang.
Kung ikaw ay natapat sa boss na naninigaw, wag kabahan. Kalma lang. Kasi, hindi healthy pag laging kinakabahan. Maaari na personality niya ang naninigaw para mapansin siya agad. Maging mahinahon lang sa harapan ng iyong boss. Pag nakita niyang kalmado ka lang, magto-tone down din ang kanyang boses. Ang maganda, sundin lang ang kanyang mga instructions para mas lalo ka niyang i-respeto.

Igatan ang mga galaw sa trabaho at maging honest lagi-lagi. Ito namay aplikable pagka ang boss mo ay yung tipong nagfa-fire na lang agad ng mga empleyado. Siya yung tipong OC (Obsessive-Compulsive) na extremely intelligentna isang maling galaw mo lang, patay ka. Muli, mag-ingat-ingat sa mga galaw.

I-note ang pakikipag-usap / komunikasyon sa iyong boss. Mayroon kasing ibang boss na malilimutin. Sila yung tipong, kasasabi lang sayo ngayon na ipagpaliban ang partikular na gawain sa trabaho, pero bukas ay babalikan ka niya at sasabihin sayong Bakit di mo pa tapos? Nakaka-relate ka ba? Ang sikreto dito, balikan mo ang iyong note ng kanyang instructions o di kaya ipakita mo ang email ng iyong boss bilang ebidensiya.

Palitan ang trabaho. Kung talagang no-choice ka na, dahil talagang natapat ka sa naninigaw-na-nananakot-pa na tipo ng boss, mag-isip-isip ka na. Ang tanging choice mo na lang ay ang mag-resign. Kasi, bukod sa hindi ka na masaya, maaari ka pang magkasakit dahil sa sobrang takot.

Hayan, alam mo na ngayon ang iyong mga dapat na gawin para mapakirapan ang iyong boss. Kung wala naman sa mga nabanggit sa itaas ang katangian ng iyong boss ay mapalad ka. ‘Pag ganoon, patuloy na lang na i-build ang respeto ng iyong boss sa iyo sa pamamagitan ng masigasig at tapat na serbisyo sa trabaho.

Sunday, September 15, 2013

Epektibong mga Teknik sa Pagma-manage ng Oras sa Trabaho

Ni Dave Calpito
  
(Ang artikulong ito ay nai-publish sa May issue ng Daloy Kayumanggi. I-tsek ang daloykayumanggi.com o 'di kaya'y bisitahin angwww.facebook.com/daloykayumanggi.) 

Stressed? Overwhelmed? Natutuliro na sa dami ng mga ginagawa sa trabaho?

Ang sagot: Time Management.

Oo. Kailangan mo ngang pag-isipan nang mabuti ang wastong paghahati-hati ng iyong mga gawain sa trabaho, nang sa gayon ay hindi mapuno at hindi bumigay ang iyong katawan nang dahil sa stress.

Layunin ng artikulong ito na matulungan kang mahalin pang lalo ang iyong trabaho at hindi mabitawan ang iyong motivation level.

Tandaan na, may kinalaman ang iyong performance sa trabaho sa iyong abilidad na mag-manage ng iyong oras sa trabaho.

  • Marunong ka dapat mag-prioritize. Ilista at iranggo ang iyong mga gawain sa buong araw. Siyempre, ang nasa itaas dapat ng iyong listahan ay ang pinaka-importanteng matapos mo. At, ang nasa mga pinakababa sa listahan ay ang mga pwede pa namang gawin sa mga susunod na araw.
  • Iwasan muna ang pagba-browse sa Internet. Marahil nangyari na ito sa’yo: may kailangan kang gawin pero hindi mo natapos kasi online sa FB si bespren na nasa kabilang panig ng mundo. Tama ba ako? Kaya naman, para matapos agad ang trabaho, concentrate. Ang Internet ay magandang device para sa iba’t ibang impormasyon pero malaki rin namang “time waster” lalo na pagdating sa trabaho.
  • Iwasan ang mahabang oras ng pakikipag-usap sa iyong mga katrabaho. Minsan kasi, napapasarap na tayo sa usapan, lalo na ‘pag ito’y tungkol sa iyong mga interes, kagaya ng mga TV show, pelikula, at kung anu-ano pa. Isa rin itong malaking time waster, tandaan mo ‘yan. Kaya naman, marunong magsabi ng “NO.”‘Pag busy ka, sabihin mo lang sa magalang na pamamaraan sa ibang tao na hindi ka pwede sa mahahabang usapan dahil may kailangan ka pang matapos.
  • I-organisa ang iyong mga emails at phone calls. Isa rin itong mabisang paraan para matapos mo nang mabilis ang iyong mga ginagawa. I-note at i-set aside lang muna ang mga kailangan mong balikang emails at tawag sa partikular na oras.

Hayan, mukhang ready to go ka na ulit sa trabaho. Isapuso at isa-isip ang mga nabanggit na tips at siguradong sa susunod na araw ng trabaho ay hindi na mawi-windang sa dami ng mga gawain. At siyempre pa, SMILE. Smile!

Thursday, September 12, 2013

Tips Para Maging Masaya at Matagumpay sa Pagtatrabaho


Maraming mga indibidwal ang hindi nae-enjoy ang pagta-trabaho o hindi nasisiyahan sa kanilang mismong trabaho. Isa ka ba sa kanila?

Kung ganoon, basahin ang mga sumusunod na mga makabuluhang hakbangin para mapanatili ang excitement at motivation level sa pagtatrabaho:

Panatilihing malusog ang katawanSiyempre, puhunan natin ang ating katawan. Baka naman lagi kang nag-iisip, mayroon kang mga bisyo, hindi nag-eehersisyo, at hindi natutulog kaya ‘di mo nae-enjoy ngayon ang trabaho mo? Tandaan, ang lahat ng mga nabanggit ay makasasama sa’yo at makasisira sa’yong katawan.

Huwag isipin ang hirap o pagodIsipin mo na lang, nagtatrabaho ka para sa iyong pamilya, sa mga mahal mo sa buhay. Kailangang mag-pokus. Isaisip na hindimakukuha ang tagumpay na parang magic o ‘di kaya “by some stroke of luck.”

Huwag dalhin ang personal na problema sa trabahoIhiwalay ang problema sa buhay o bahay sa iyong trabaho. Kung hindi, baka ikaw pa ang mapasama saiyong employer at mga katrabaho.

Hindi laro ang pagtatrabaho. Isa itong bagay na kailangan mong paghusayan, i-develop, i-master. Kailangan din siyempreng maging Ganado palagi sa pagtatrabaho. Tuluy-tuloy na mahalin ang iyong trabaho at ituring ito bilang bahagi ng iyong buhay. At tiyak, makakamit mo ang tagumpay!

Wednesday, September 11, 2013

Ang Masama Sa Pagiging Workaholic

Workaholic ka ba? Ikaw ba yung tipong overtime nang overtime. Araw-araw na lang ay nag-uuwi ka ng trabaho sa inyong bahay. Yung tipo bang, matutulog na sa gabi ang iyong asawa at anak, subsob ka pa rin sa kakasulat o kaka-type ng kung anu-ano.

Naku po, workaholic ka nga. Alam mo bang masama ‘yan sa maraming aspeto? O baka naman, alam mo pero ika’y nagmamaang-maangan?

Kung gano’n, kailangan mo ng “enlightenment.” Kailangang ipaalala sa’yo ang mga maaaring mangyari kung masyado kang workaholic. Hindi po ako nananakot, nagpapaalala lang.

1. Masama sa Kalusugan

Kung ang katawan ay napapagod, pati isipan ay napapagod din. Baka mamaya niyan (‘wag naman sana), dahil sa sobrang stress na dinadala mo pati sa inyong tahanan, mag-breakdown ang iyong katawan, pati na isipan. Ang mga sakit na kaugnay ng sobrang stress sa katawan ay anxiety disorder, depression, hypertension, at iba pa. Tandaan, na puhunan natin ang ating katawan, kaya ‘wag nating masyadong abusuhin.

2. Masama sa Pakikitungo sa Iyong Pamilya

Baka kasi mapagbintangan kang pabaya sa’yong pamilya—sa’yong asawa at sa’yong mga anak. Hinay-hinay lang. Nauubos na nga ng trabaho ang kalahating araw mo, pati gabi ba naman at weekends? Sana ‘wag naman na. Sa halip na mag-uwi ng trabaho, piliing makipag-bonding sa iyong pamilya—para mas lumalim pa ang relasyon at respeto ninyo sa isa’t isa.

Oo’t kailangan mong magbanat ng buto. Kailangan mong mapunan ang mga pang-araw-araw na pangangailangan ng iyong pamilya—sa panahon ba naman ngayon na mas malaki pa ang gastusin kaysa sa sinasahod ay kailangan talagang kumayod nang kumayod.

Pero, alam mo rin dapat na ang sobra ay mali o masama. Alam mo rin dapat ang iyong limitasyon. At, ang sobrang pagtatrabaho ay hindi na nakabubuti pa sa’yo at sa’yong pamilya.

Halaga ng Experience sa Trabaho

Halos lahat naman tayo ay talagang nagsisimula sa ibaba. Pati ang mga matatagumpay na tao ngayon sa kanilang karera ay dumaan din diyan. Kung ikaw ay bagong gradweyt at naghahanap ng trabaho, ang sikreto diyan, ‘wag munang mamili.

Sa panahon ngayon, maganda rin kung praktikal tayo kung mag-isip. Ang mahalaga kasi muna, makaipon ka ng sapat na experience (mga dalawang taon sa unang trabaho) para mas madaling matanggap sa talagang gustong pasukang trabaho.

Kumbaga, ito’y nagsisilbing training ground o lunsaran mo para ma-develop mo ang iyong abilidad sa pagtatrabaho—mapaganda rin ang pakikitungo mo sa’yong mga katrabaho, ma-expose ka sa real working scenario.

Marami kasi ngayon ang hindi nagtatrabaho kasi hindi related sa kursong tinapos ang available na trabaho. Pero, kung wala talagang choice, kaysa wala kang trabaho na nakikita ng mga tao, doon ka muna sa available na trabaho.

Ang mahalaga, nakakatulong ka sa’yong pamilya. Ang mahalaga, nakakapag-contribute ka na sa pagbabayad ng bills buwan-buwan—sa pagbabayad ng tuition fee ng inyong mga nakababatang kapatid. Ang mahalaga rin, nakaipon ka ng sapat na experience—pampataba baga ng iyong resume ‘pag nag-aplay ka na ulit sa iyong gustong trabaho.

Isipin mo na lang, bawat karanasang natutunan mo ay malaking bagay upang ika’y mag-grow-up bilang tao at sa iyong karera. Hinay-hinay lang, kapatid!

Mga Alternatibong Pagkakakitaan na Pwedeng Pasukin

Ni Loreen Dave Calpito
 
(Ang artikulong ito ay nai-publish sa May issue ng Daloy Kayumanggi. I-tsek ang daloykayumanggi.com o 'di kaya'y bisitahin ang www.facebook.com/daloykayumanggi.)
Minsan, sa dami ng ating mga responsibilidad—mga bills na binabayaran buwan-buwan, mga anak na pinapag-aral, at rentang binabayaran—kinakailangan talagang dumiskarte.
 
Sa ngayon, ang ginagawa ng karamihan ay naghahanap ng mga alternatibong pwedeng pagkakitaan. Sila ang mga tinatawag na raketista. Gusto mo bang maging isa sa kanila? Hindi naman masama.

Naririto ang ilang mga alternatibong trabaho o raket na pwede mong isama sa iyong listahan:

  • Maging tutor. Sa ngayon, in-demand ang mga English tutor. Kung may kakilala ka halimbawang Japanese na gustong matutong mag-Ingles, at kung marunong ka naman, pwedeng-pwede kang pumasok sa trabahong ito. Kung gusto naman ng tutee mo na through online ang klase, mas maigi iyon, dahil bawas ka pa sa pamasahe.
  • Maging online writer. Sa dinami-dami ng mga blogsites na nangangailangan ng content ngayon hinggil sa iba’t ibang paksa, siguradong patok ngayon ang pagiging online writer. Ang maganda pa, hawak mo rito ang oras mo. Ang kita mo ay nakadepende rin sa sipag mong gumawa ng mga blogs. Maaari kang tumingin ng mga kliyente sa website na ito: www.manila.craigslist.com. Tip lang: mag-ingat sa mga scammer. Maganda ring meron kang paypal account para doon ise-send ang iyong TF.
  • Kumita sa pamamagitan ng iyong blogsite / website. Siguro naman, pamilyar ka na sa mga blogsite o website na mayroong mga nakapaskil na banner o advertisements ng iba’t ibang produkto. Opo, pwedeng-pwede kang kumita rito. Ang kailangan lang ay maipakilala mo ang iyong website sa napakaraming tao para marami ring audience. Kikita ka rito sa pamamagitan ng paglalagay ng mga advertisement at sa pagbebenta ng mga produkto. Maging pamilyar sa google adsense at affiliate marketing.
  • Magbenta sa mga online buying site. Maaaring kumita ngayon sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga produkto sa Internet. Ang eBay at craigslist ay sikat na lugar na pwedeng mag-buy and sell ng mga produkto. Ang sikreto rito, pumili ka lang ng produktong naiiba sa karamihan at siguradong papatok sa mga tao.

Tandaan: para magtagumpay, hindi lang sapat ang abilidad. Kailangan din ng sapat na diskarte, sipag, at tiyaga para masiguro ang magandang buhay.

Iba’t Ibang Uri ng mga Katrabaho at Paano Sila Pakikiharapan

Ni Loreen Dave Calpito
 
(Ang artikulong ito ay nai-publish sa May issue ng Daloy Kayumanggi. I-tsek ang daloykayumanggi.com o 'di kaya'y bisitahin ang www.facebook.com/daloykayumanggi.)
Isa sa pinakamahalagang aspeto ng pagtatrabaho ay ang pakikisama sa mga co-workers. Iba-iba kasi ang pag-uugali ng bawat manggagawa—siyempre, iba-iba rin kasi an gating mga oryentasyon sa buhay. Gayundin, sa iba’t ibang lugar tayo namulat at lumaki. 
Anu-ano nga bang klase ang pag-uugali ng ating mga co-worker? Paano natin sila pakikiharapan?
  1. Katrabahong mahilig manira. Hindi natin maiiwasan itong ganitong klaseng tao. Pero, kung wala namang katotohanan ang paninira sa’yo, mas maiging huwag na lang itong pansinin. Sa halip na maasar, ipakita mo sa inyong mga katrabaho na hindi ka apektado, dahil wala naman itong katotohanan. Ika nga, pagtawanan mo na lang ang mga paninira sa’yo. Sigurado namang magsasawa din ‘yan.
  2. Katrabahong mahilig manghila ng co-worker pababa. Sigurado, naiinggit ‘yan sa’yo. Marahil, ang habol niyan ay promotion sa trabaho; at, ikaw ang sa tingin niyang mahigpit niyang katunggali sa posisyon. Maaaring gano’n yun. Basta, ang mahalaga’y gawin mo lang ang lahat ng iyong makakaya sa trabaho. Kung may pagkakataon, mag-aral pa. Mag-attend ng mga seminar at workshop na kaugnay ng iyong trabaho. Sa pammagitan nito, siguradong wala nang mahahanap na butas ang nanghihila sa’yo.
  3. Katrabahong BI o bad influence.” Siya o sila naman ang may mga bisyong di-kanais-nais—pag-inom, pagsusugal, paggastos nang malaki, at iba pa. Hindi naman masamang makisama sa kanila, pero tandaan na ang “environment” ay malaking factor sa pagbabago ng isang tao. Marunong ka dapat na disiplinahin ang sarili mo. Huwag patangay sa agos na pupunta naman sa daanang liku-liko.
  4. Katrabahong friendly at maaasahan. Bibihira lang ang mga taong ganyan. Sila naman ang mga taong kailangan mong i-treasure at ‘wag pakawalan. Maging totoo ka lang sa kanila para ganoon din ang magiging balik sa’yo. Kung meron ka, i-treat din sila paminsan-minsan. Dagdag-“bondin” din ito kahit papaano.
Iba-iba ang mga tao. Iba-ibang kulay, iba-ibang personalidad. Ang mahalaga: marunong ka dapat kumilatis, umiwas, makisama, at magpahalaga.

Paano Hindi Mawala ang Interes sa Pagta-trabaho

Ni Loreen Dave Calpito
 
(Ang artikulong ito ay nai-publish sa May issue ng Daloy Kayumanggi. I-tsek ang daloykayumanggi.com o 'di kaya'y bisitahin ang www.facebook.com/daloykayumanggi.)
Halos lahat naman tayo ay kailangang magtrabaho—para sa ating pamilya, para sa ating mga pinapag-aral na mga anak, para sa ating mga sarili.
Upang mas mariwasa ang ating pamumuhay, kailangang magsipag—kailangang magbanat ng buto. Katunayan, ang iba nga ay ginagawang araw ang gabi para lang mabuhay ang kanilang pamilya.

Pero, paano na ‘pag dumating tayo sa punto na nawawalan na tayo ng interes / motibasyon sa pagtatrabaho? Iyon bang parang hinihila na lamang tayo ng ating mga paa sa tuwing pumapasok tayo tuwing umaga. Oo, talagang dumarating talaga ang pagkakataong lumalamon sa ating interes na magpatuloy pa sa pagtatrabaho. Hindi po natin maiiwasan ‘yan.

Pwes, basahin ang mga praktikal na mga pamamaraang ito:

  • Mag-print ng isang larawan ng iyong gustong makamit / mabili. I-frame ito o i-laminate para hindi madaling masira. ‘Pag tinatamaan ka ng katamaran sa pagta-trabaho o ‘di kaya ay down-na-down ka na, ugaliing tingnan ito. Kaya, ilagay ito sa iyong table o sa lugar na lagi-lagi mong nakikita. Epektibo ito. Kung nakikita mo ang bagay na gusto mong maibigay sa iyong pamilya, mas nagkakaroon ka ng ganang magsipag pang lalo.
  • Mag-reflect sa sarili. Kung minsan, maganda rin namang i-assess ang iyong sarili. Bakit ka kaya nawawalan ng interes? Baka naman simpleng bagay / tao lang ang nagpapawala sa iyong gana.
  • Mag-destress. Ang stress ay malaki talagang bagay na nakakaapekto sa ating motibasyon sa pagtatrabaho. Iniisip natin, masyado na nating pinapagod o inaabuso ang ating mga sarili sa pagtatrabaho. Kaya naman, magkaroon ng oras para mamasyal nang kaunti; mag-leave ng dalawang araw—magbakasyon-grande (kung ika’y papayagan ng iyong employer).
  • Isipin ang pamilya. Ang pamilya ang madalas na antidote ng ating mga problema sa trabaho. Marapat mong isipin kung anong maaaring kahihinatnan ng iyong pamilya kung wala ka nang trabaho. Paano sila mabubuhay? Paano makakapagtapos ng kolehiyo ang iyong mga anak?

Take it easy. ‘Wag masyadong seryosohin ang mga bagay-bagay. Baguhin ang mga pangit na pananaw sa buhay. Sigurado, hindi ka mawawalan ng ganang magtrabaho.

Mga Epektibong Istratehiya Sa Paghahanap ng Trabaho

Ni Loreen Dave Calpito
 
(Ang artikulong ito ay nai-publish sa March issue ng Daloy Kayumanggi. I-tsek ang daloykayumanggi.com o 'di kaya'y bisitahin ang www.facebook.com/daloykayumanggi.)
Marami na naman ang nagsisipagtapos sa pag-aaral. Marami na rin ang gustong magkatrabaho agad pagkatapos ng kolehiyo.

Puwes, matuto ng ilang mga istratehiya sa paghahanap ng trabaho, para agad-agad, pagkatapos ng graduation ay mayroong trabagong mapupuntahan agad.

Pero, marapat ding tandaan, na kinakailangan ng masinsinang pag-iisip kung ano nga ba ang trabaho swak sa iyo. Hindi pwedeng, basta nandiyan na, iga-grab mo na agad. Kailangan mong gamitin sa puntong ito ang nasa pagitan ng iyong dalawang tainga.

  • Humanap ng isang career advisor. Maaari rin namang isang kaibigan lang na may background sa career advising ang pwede mong lapitan; o ‘di naman kaya, kapamilya. Maaari niyong mapag-usapan ang iyong career path nang sa gayon ay talagang magabayan ka bago ka sumabak sa totoong buhay.
  • Maaari ka ring pumunta sa ilang mga job fair. Marami-raming mga magagandang kumpanya ang sumasali sa mga ganitong event. Kaya, maglaan ng oras na itsek ang mga ito. Tingnan kung anu-anong mga trabaho ang in-demand ngayon na pwede mong paghandaang pasukan.
  • Matutong gumawa ng sensible na desisyon para sa iyong sarili. Gradweyt ka na. Ibig sabihin nito, inaasahang alam mo na ang tama o mali para sa iyong sarili. ‘Wag basta-basta nagpapadikta sa iba. Ang mas pakikinggan mo ay ang iyong sariling desisyon. Anong uri ng trabaho ang pasok sa iyong interes? Saang lugar mo gustong magtrabaho? Ang mga kasagutan ay ikaw lang ang nakaaalam.
  • Maganda ring i-tap ang iyong mga network. Kung may mga kakilala / kapamilya ka nang may stable na trabaho sa isang kumpanya, maaari mo siyang lapitan at ‘wag mahiyang magpatulong. Malay mo, mayroong job opening sa kanila na maaaring pasok sa iyong interes.
Muli, kailangan lang ng kaunting diskarte sa paghahanap ng trabaho. Siyempre pa, samahan din ito ng kaunting dasal at tiwala sa sarili. Sa puntong ito, kailangan mong magbaon ng sangkatutak na “self-confidence.”

Mga Mabuti at Masamang Gawain Para sa Iyong Kidney

Isa ang sakit sa bato sa pinaka-komon na mga dahilan ng pagkamatay ng mga taosa ngayon. Kaya naman, marapat lang na alagaan mo ito. Ayon ...